2873 Views

December na naman, nangangamoy regalo, pagkain, bonus at gastos nanaman. Naku sigurado nag iisip ka na ano ang bibilin mo regalo kay nanay at tatay, sa mga anak mo, san ka magpapa-rebond, anong sapatos o gadget ang bibilin mo para sa sarili mo. Bottomline, kailangan may bago ka ngayon December, yan kasi ang atin nakagawiian tradisyon. Ngunit kailangan ba talaga natin ang mga eto?
Hindi dapat tayo ubos biyaya. Kailangan natin pag isipan mabuti kung paano natin gagastusin ang extrang pera na eto na once a year lang natin nakukuha.

Eto mga tips para di mag pasko ng hulaan:

13th month

Mag bayad ng utang

  • Bago ka mag post ng bagong cellphone mo, isipin mo muna mga pinag kakautangan mo. Harsh ba? Mas harsh pa ang makikita mo sa facebook wall ng mga pinag kakautangan mo once pinost mo ang bago mo. Kung gusto mo mag celebrate ng Christmas na stress free, start with being debt free.
  • Gumawa ng listahan ng mga utang at bayaran according sa mga eto
  1. Makulit na naniningil. 
  2. May mga mataas na interest charge gaya ng 5/6, credit cards at mga loans.
  3. Last na ang mga di nmn nag mamadali or maliliit na interest charge.

Magtabi na para sa susunod na mga bayarin or mag bayad in advance.

Mag tabi na ng pondo para sa tuition fee ng anak mo, remember eto ang next na malaking gastusin after Christmas. 

Maari ka na rin mag advance payment sa mga loans mo tulad ng home loan, car loan at iba pang loans mo para di ka na plage nag hahabol sa mga gastusin mo. Mas maganda ng advance keysa delay, para sa stress free day.

Magtabi para sa Emergency Fund.

May mga pangyayari in life na di natin inaasahan, mainan na meron tayo madudukot ano man ang mangyari lalo na kung ikaw ang walang health card or savings. Napakasakit man pero totoo na karamihan sa ating mga Pilipino at di ready sa mga eto, umaasa tayo sa “bahala na”. 

Minsan kahit tayo ay may mga nararamdaman na, tinitiis na lang natin dahil wala tayo pambili ng gamot o pampacheck-up man lang. Di natin alam na mas malaki ang gastos pag eto ay lumala na at mahospital. Ang 500 pesos na pambili ng gamit magiging 500,000 pambayad sa hospital.

Kaya ngayon na may 13th month ka na eto na chance mo mag tabi ng Emergency Funds nyo ng pamilya mo.

Reward yourself and your love ones.

Syempre kailangan mo din ireward ang sarili mo sa hardwork mo, mga araw na tiniis mo sa pag tayo sa train, yung haba ng nilakad mo, pag sulong mo sa baha at sa bawat oras, pawis, luha na ginugol mo sa trabaho para sa pamilya mo. You deserve a reward!

Okay lang nman na reward natin ang ating sarili depende sa ating budget. Ang reward ay di naman kailangan mahal or magardo, simple dinner, out of town with family, gamit na useful sa pang araw araw tulad ng bagong damit, sapatos, gamit sa kusina ni nanay, bagong sapatos ni bunso. Mga gamit na praktikal pero di mahal. Next time na lang ang mga gadgets, bagong TV o ano man luho, kung may magagamit namin. 

Tandaan mo na after mo gawin ang number 1,2,3, your on your road to financial freedom. Pag debt free ka, stress free ka at may peace of mind ka. Anytime pwede mo na bilin ang mga luho mo. 

Investment for your future

Dapat advance ka din mag isip, having a retirement plan is like investing for your future self. Di nman tayo habang buhay mag tra-trabaho, di rin lahat tayo ay maswerte at umaasenso, kaya dapat ngayon pa lang nag reready na tayo. Ang retirement plan at pwede natin pamana sa ating mga anak o magiging anak. 

Maaari ka na din mag start mag invest  o kumuha ng insurance habang bata ka pa, mas bata ka nag simula, mas mababa pa iyong babayaran so by the time na mag retired ka may makukuha pang extra.

As mentioned kanina, marami sa atin ang umaasa sa “bahala na”, imagine 50 years from now or pag uugod ugod ka na, anong kalidad ng pag aalaga ang gusto mo matanggap?

Start a business.

Kung wala na naman utang at updated mga bayarin mo, you can start your own small business. Maaari ka mag simula sa maliit na capital, food business, online store, at ipamanage mo sa pinag kakatiwalaan mong pamilya, malay mo lumago eto at di mo na kailangan maging empleyado, be the boss!

Save

Kung wala kang utang, wala ka din bayarin, may investment ka na at meron ka na din business or wala ka pa maisip na business, mag save ka na muna. The right opportunity comes in the right time, so better be ready.

Kung madami ka pang extra share it to others, madami nag papasko sa kalda o spend your holidays sa mga charities. Be a blessing to one another.

So bago ka mag shopping o iswipe ang credit card mo isipin mo muna kung kailangan mo ba talaga eto or gusto mo lang ng ikaw ay di mabaon sa utang. Spend your money wisely. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *